Ang sarap mabuhay lalo na kapag alam mong may kaibigan kang laging nandiyan.
kahit malayo kayo sa isa't isa. ok lang :))
kaya nga may unli eh. parang nanjan na ka na rin lang.
Magkaiba tayo. Oo. sobra. yun nga yung nagbibigay kulay diba? :)
Oo nga noh? Hindi ba nakapagtataka? Sa kabila ng mga pagkakaiba, paanong naging isa?
sa buhay palang.. magkaiba na ng pananaw.
magkaiba din ang mundong ginagalawan.
sabihin na nating mabait ako ng konti (wag ng kumontra).. kabaliktaran ka. (konti lang naman)
MASIPAG ka, alam ko yan :) ikaw na marunong sa mga gawain sa loob ng bahay..
ako? mas gusto kong tumunganga,
hindi sa walang alam, sadyang tamad lang.
ikaw na marunong magluto,,ako hanggang kain lang :)
Madami akong tanong sa buhay. ikaw? hindi ko alam.
lahat napapansin ko. ikaw? hindi ko din alam. (hahah)
gusto kong alamin lahat. ikaw kuntento na isang tanong.
Gusto ko tahimik. mas gusto mo atang maingay.
hanggang dalawang minuto lang ang kaya ko sa pagiging seryoso. ikaw, kayang kaya mo.
kaya mong sabihin lahat ng harapan. ako hanggang dito na lang :)
Sa pasensya.. maikli ang akin.. at dahil nagagawa mo kong pakisamahan..
alam kong napakahaba nga ng pasensya mo. hanga ako sayo :)
MADAMI pang pagkakaiba, kung iisa-isahin ko pa.. baka umabot toh hanggang EDSA.
mapaglaro nga talaga ang mundo.
hindi ko akalaing mangyayaring lahat ng toh.
di ko nga akalaing tatagal ako sa tabi mo.
alam ko! NAPAKA-LOYAL KO :)
hindi. sadyang ganyan lang talaga ko sa mga taong mahal ko :)
oh. wag masyadong ma-flatter, MADAMI kaya KAYO.
hahahahahah.
I feel so blessed to have you as a friend. you're one of the BEST :)You're God's gift :) so, I must treasure you forever! not everyone has given this chance and this kind of blessing :)) and I am very much thankful for everything! :)
HAPPY BIRTHDAY MY BESTFRIEND. no words can express how much ILOVEYOU.
-- wanderlust, VJTL (3/14/12)

No comments:
Post a Comment